<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4698706365899088394?origin\x3dhttp://therandompianist.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Hindi Ka Na Nasanay
Sunday, March 27, 2011 | posted by TheRandomPianist

Laging ganun ang sinasabi ko sa sarili ko lalo na kung makikihalubilo ako sa matatandang maarte sa pagkain at mas demanding pa sa akin. Dapat naiintindihan ko na sila dahil nga sa isa rin akong gradweyt ng Nursing tapos ganap pa akong nars pero heto ako at nagdabog pumunta dito sa kwarto ng aking mga magulang.

Hanggang kailan magiging ganito? Magdadalawang linggo na at hindi ko parin mahigaan ang sarili kong kama. Tanging isang unan, isang comforter at malambot na blanket lang ang tanging kasama ko sa pagtulog dito sa sahig. Mabuti na lang at may carpet tong sahig dito sa kwarto nina mama. Ayoko naman matulog sa tabi nila dahil baka bumagsak na yung kama nila sa bigat naming tatlo. Ayoko rin tumabi sa aking lola dahil malakas siyang humilik tapos ang ibibigay lang na espasyo sa akin ay kakaunti; kaya mas pinili kong humiga na lang dito sa sahig. Mas malawak pa nga ito kaso lang matigas pero sanay na ako.

Sabi nila ihahatid daw namin siya sa Miyerkules. Alam mo ba yung pakiramdam na siya na lang inaalala ko sa tuwing bababa siya para kumain habang nawala na lahat ng oras ko para basahin sana ang aking reviewer? Alam mo ba yung pakiramdam na isipin niyang wala akong kwentang apo? Ganito yun. Kaya naman kahit ayoko sana eh napipilitan akong bantayan siya kung kakain at pinaghahanda siya ng ulam. Ang masaklap eh ayaw pa niya yung naihain sa kanya. Tae naman di ba. Kaya kagabi hinayaan ko na lang siyang kumain ng gusto niya. Di ko na siya pinuntahan. Lumabas na lang ako ng kwarto noong ipaghuhugas ko na siya ng kanyang pinagkainan.

Nawawala talaga pasensya ko kung ganitong matatanda ang kasama ko. Hindi na kasi sila iniisip yung ibang tao sa bahay na to. Makasarili na parang sila lang tong kakain o matutulog. Di naman ganito yung ibang matatanda. Madali naman kausapin yung iba. Pero hayaan ko na lang. Gaya nga ng sabi nila hindi na ako nasanay. Ganito din naman ang senaryo sa aking lola na nasa Ilocos. Ang pinagkaiba lang ay nasasabi ko sa kanya na ayaw ko at pagkatapos maiintindihan na ako.

Huwag niyo na lang akong tularan. Wala akong kwentang Apo. Masyado akong mareklamo.



21 y/o young lady who still thinks like a child. An amateur freak on photography and a pianist at heart. She is a self proclaimed Harry Potter's first love and a potato couch most of the time. I post random stuff and most of them are my dose of reality. Classical songs, Switchfoot, Regina Spektor, etc. are my musical choices.

I love Vicodin. I am a Registered Nurse.


disclaimer
DISCLAIMER: All photos © Chrismarie unless otherwise specified. The photos that are found on the internet are properly credited. Please ask permission before using the photos. Do not steal them. Credit the Owner properly.


Archives