<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/4698706365899088394?origin\x3dhttp://therandompianist.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
Ano nga ba ang Photography sa Akin?
Monday, April 18, 2011 | posted by TheRandomPianist

Nagumpisa akong naenganyong sa photography noong binili ko yung digital camera ko. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ako nawili kahit hindi ito SLR. Pero sa bawat kuha ko ng litrato, may mga kwento sa likod nito. Bakit ko ba binuksan ang isyu na to? Sapagkat marami na rin ang nawiwili sa larangan na to na tila nawawala na rin ang kahulugan ng photography.

Unang kuha ko sa camerang ito ay yung Eiffel Tower. Pangarap ko kasing makapunta doon kaya naman pansamantalang yung kwintas muna ang kinuhanan ko para di ko makakalimutan na pupuntahan ko yun sa oras na nakaipon na ako. Meron din akong mga shots on Landscapes kung saan masasabi kong paborito kong subject ito. Bakit nga ba ako nawili sa landscapes? Una sa lahat nature lover ako, sa bawat nadadaanan kong likha ng Maykapal nagagandahan talaga ako. Pangalawa, first time ko din kasi dito sa Amerika. Alam mo naman dito, maraming pasyalan kaya sa bawat dalaw namin sa isang tanawin dito eh dala dala ko ang camera ko. Sa bawat kuha ko sa mga larawan, masasabi kong "kuha ko yan, ibig sabihin nadalaw ko na ang lugar na yan." At proud akong ginawa ko yun. Mahilig din ako kumuha ng ulap. Alam mo kasi bata pa lang ako eh paborito ko na ang ulap. May pagkakataon din kasi noon na napapatambay ako sa terrace tapos titingin lang sa maaliwalas na kalangitan. Iniisip ko kung makakaupo ako sa ulap tapos makakapaglaro ako doon. Ang solong anak kasi ay mahilig magimagine syempre walang kalaro. Yan ang rason kung bakit mahilig ako kumuha ng ulap.

May mga pagkakataon din puro pagkain ang aking kinukuha. Eh ikaw ba naman first time makatikim ng sushi sa isang napakasarap na buffet? oh kaya makakain ka ng isang Pinoy food na lutong bahay? Eh di mapapakuha ka talaga ng kahit konting litrato naman para dun. Minsan naman tungkol sa fashion. Ang mga babae, natural ng vain at mahilig magshopping. Natural na din sa akin na mawili sa mga usong damit at sapatos. Gusto ko rin maging fashion photographer sa totoo lang. Kaya dinadaan ko na lang sa pagkuha ng mga larawan dito sa aking closet oh di kaya naman sa mga boutique. Kung may okasyon, mawawala ba ang piktyuran? Ang bawat ngiti ng mga taong nakapaligid sa akin ay hindi ko dapat palalampasin. Mapabirthday, binyag, kasal oh di kaya ang unang pagpatak ng snow dito sa aming lugar ay mahalaga. Ang bawat ngiti na aking nakukuha ay nakakagaan sa akin puso..

Kita mo na kung ano sa akin ang Photography? Ito ay yung pagkuha ng mga pangyayari, lugar, bagay na may kwento sa likod nito. Hindi lang ako basta basta mangunguha ng litrato para mangimpress ng tao. Hindi rin naman ako ganap na photographer.Isa lang akong hobbyist na ang hilig ay kumuha ng litrato. Ang totoong photography ay kung paano nabuo ang bagay na yun para lumabas sa lente ng camera na maganda. Ang photography ay ang pagkuha ng larawan na galing sa puso.



21 y/o young lady who still thinks like a child. An amateur freak on photography and a pianist at heart. She is a self proclaimed Harry Potter's first love and a potato couch most of the time. I post random stuff and most of them are my dose of reality. Classical songs, Switchfoot, Regina Spektor, etc. are my musical choices.

I love Vicodin. I am a Registered Nurse.


disclaimer
DISCLAIMER: All photos © Chrismarie unless otherwise specified. The photos that are found on the internet are properly credited. Please ask permission before using the photos. Do not steal them. Credit the Owner properly.


Archives