Saturday, April 16, 2011 | posted by TheRandomPianist
Heto na naman ang paulit ulit kong drama. Di maiwasan eh dahil lahat ng nakikita ko umuusad na, ako na lang ang hindi. Di ko maiwasan ang mainggit dahil ako, na magiisang taon ng graduate ng kolehiyo eh wala parin trabaho. Nakakahiya ako. Pakiramdam ko wala akong kwenta.
Gusto ko na talagang magscrub suit. Yung bibisita ka ng pasyente, kakausapin at pagagaanin ang loob nila. Minsan simpleng ngiti mo lang ay mapapabuti na ang pakiramdam nila. Sabik na akong makisalamuha muli sa mga taong kulang sa attensyon pangkalusugan, sabik na ako tumulong sa iba. Pero ang kaibahan lang ay dito ako sa ibang bansa. Iba parin talaga kung ang tinutulungan ay kapwa Pinoy.
Nagtanong ako sa tita ko kahapon. Tinanong ko kung paano maging volunteer sa kanilang ospital. Hindi bilang nurse kundi bilang parang health aide. Transporter ng pasyente at tagaayos ng files, ganun daw ang gawain ng mga volunteers. Pero gusto ko talaga, para masanay na ako sa mundong ginagalawan ko. Sa totoo lang, sa anim na buwan ko na dito sa Las Vegas eh kakarampot na oras pa lang ang naging experience ko na makisalamuha sa ibang tao. Saglit lang naman kung magbabayad ako ng gasolina, o pagorder ng burger sa in and out. Nakakapangingles lang ng wagas kung nasa bahay ako ng mga pinsan kong bubwit. Gusto ko rin makaranas na magtrabaho na may kasamang mga puti, yellow race, black race. haay. Gusto ko na magscrub suit. Yun lang, scrub suit na may name plate na Chrismarie Alyssa Foronda, RN USRN tapos may nakasabit na steth sa aking balikat. Dang, gusto ko na. Kaso, kailan mangyayari yun?
Scrub Suit

21 y/o young lady who still thinks like a child. An amateur freak on photography and a pianist at heart. She is a self proclaimed Harry Potter's first love and a potato couch most of the time. I post random stuff and most of them are my dose of reality. Classical songs, Switchfoot, Regina Spektor, etc. are my musical choices.