|
|
|
Inhale, Exhale
Saturday, May 28, 2011 | posted by TheRandomPianist Kanina malalim ang iniisip ko. Iniisip ko lang ang mga natamo ng aking mga kamag-anak dito at sa Pinas. Narealize ko kasing halos lahat pala kami ay nasa Medical Field, kaya malaki ang impluwensiya ng pamilya sa akin. Sa mga grandparents ko, may naging Hospital Director, at Nurse. Siguro meron din naging doktor pero di ko maalala kung sino sila. Yung lola ko na nurse, hanggang ngayon ay nagtatrabaho parin siya. Nagtrabaho siya sa New York, Chicago, California (sa popular hospital sa Beverly Hills-- Cedars Sinai). Isa siyang Critical Care Nurse ng ilang taon. Naging buhay na niya ang pagiging isang nurse kaya naman isa siya sa naging inspirasyon ko. Si mama naman ay isang Med Tech, ngunit hindi niya napractice ang pagiging med tech sa Pinas. Isa siyang frustrated doctor. Hindi niya natuloy ang pag-aaral niya sa pagka-doktora dahil na rin sa namatay ang lolo ko na tatay ng aking ina. Hindi naging financially stable ang pamilya kaya huminto siya sa pag-aaral ng medisina. Nung medyo bata bata pa ako eh plano kong maging med tech dahil sa simpleng rason: Gusto ko ng sariling laboratoryo. Mahilig ako sa Science mula elementarya kaya naman walang dudang kahit Medical Science ay inaral ko. May mga pinsan si mama na nurse. Nurse sa Canada, Manila at sa Saudi.
Sa father's side ko naman eh merong kapatid si daddy na Nurse at lahat ng kanyang anak ay nag-aral ng nursing at medicine. Sa kasalukuyan, May tatlo na siyang anak na nurse at isang matalinong Anesthesiologist dito sa amin. Isa pala siyang Suma Cum Laude nung naggraduate siya sa college. May mga pinsan din akong nurses na nasa Pilipinas at kasalukuyang nagvovolunteer. Ako naman dito ay nagvovolunteer din at nagrereview para sa NCLEX. Kita mo na ang pamilya namin? Nasa dugo ko pala ang pagiging isang nurse. Kaya sana makapasa ako sa state board. Pinepressure ako ni mama kanina kaya nasigawan ko na naman siya. Ayoko kasi ng natataranta, gusto ko slowly but surely. Take it easy ika nga, chill lang. Masyado kasi silang nagmamadali. Gusto ko kapag nagrisk ako, siguradong may makukuha akong ipagmamalaki ko. Now I'm thinking positive things. Kaya ko to. Inhale, exhale. |
|